PBBM gusto ng masusing imbestigasyon sa umano’y ‘tanim-bala’ incident sa NAIA

Nag-utos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng malalimang imbestigasyon sa kontrobersyal na “tanim-bala” modus sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos mag-viral ang video ng umano’y panibagong insidente.
Ayon kay Presidential Communications Undersecretary Claire Castro, inatasan ni Marcos ang Department of Transportation (DOTr) na suriin ang nangyari sa Terminal 3 noong Marso 6.
“Hindi ito papayagan ng Pangulo,” giit ni Castro, sabay dagdag na posibleng matanggal sa trabaho ang sinumang mapatunayang sangkot.
Tatlong airport security officers na ang sibak sa puwesto, ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon.
Ang biktima, isang 69-anyos na pasahero patungong Vietnam, ay sinita umano ng Office for Transportation Security (OTS) dahil sa anting-anting sa kanyang bag. Walang bala ang natagpuan, ngunit kita sa video ang pagtatawa ng mga OTS personnel habang tinatakpan ang kanilang nameplate.
Mahigpit ang utos ng Pangulo—walang palulusutin sa iligal na gawain sa paliparan! | via Allan Ortega | Photo via

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *