Nilinaw ni Atty. Argel Joseph Cabatbat na hindi siya ang abogado ng 18 ex-Marines na nagdaos ng press conference kamakailan.
Ayon sa kanya, siya ay abogado lamang ng Club Filipino, ang lugar kung saan ginanap ang naturang pagtitipon.
Binigyang-diin ni Cabatbat na ang Club Filipino ay may malaking bahagi sa kasaysayan ng bansa. Dahil dito ginanap ang panunumpa sa tungkulin ni dating pangulong Corazon Aquino matapos ang People Power Revolution.
Dagdag nito, noong panahon ng Hapon, nanatili rin sa lugar si Tomoyuki Yamashita, habang dito rin umano tumuloy si Douglas MacArthur nang bumalik ang mga American Forces sa Pilipinas.
Dagdag ni Cabatbat, hindi niya tiyak kung ano ang mga susunod na mangyayari sa bansa, ngunit iginiit niyang ang Club Filipino ay nananatiling makasaysayang lugar na may malaking halaga sa kasaysayan ng Pilipinas.
