Humina at isa nang tropical depression ang Bagyong Nuri na mino-monitor sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang bagyo 1,580 kilometers silangan ng Northeastern Mindanao, taglay ang maximum sustained winds na 45 km/h at bugso hanggang 55 km/h.
Patuloy naman ang Northeast Monsoon o Amihan na nakakaapekto sa Luzon at ilang bahagi ng Visayas. Asahan ang maulap na kalangitan at mahinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes.
Sa Metro Manila, natitirang bahagi ng Luzon, Visayas, Caraga, Zamboanga Peninsula, at Northern Mindanao, magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin dala ng Northeast Monsoon.
Samantala, ang natitirang bahagi ng Mindanao ay makakaranas ng maulap na kalangitan at isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. | via Joana Luna, D8TV News
