Administrasyon, hindi handa sa oil crisis – VP Sara Duterte; patutsada ni VP, sinagot ng palasyo

Pinuna ni Vice Pres. Sara Duterte ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil umano sa kakulangan ng paghahanda para sa posibleng epekto ng patuloy na tensyon at giyera sa Middle East.

Sa isang ambush interview sa Davao City noong Miyerkules, sinabi ni Duterte na narinig na umano ang banta ng digmaan simula pa noong 2022 ngunit wala raw nakikitang malinaw na paghahanda ang pamahalaan.

Sa Press Briefing sa Malacañang ngayong araw sinabi ni PCO Usec. Atty Claire Castro, na dapat tanungin ang bise presidente kung anong eksaktong buwan noong 2022 umugong ang umano’y banta.

“Anong buwan, baka naman panahon pa nung kanyang ama ito. Tandaan po natin noon pong 2022 nangangampanya po sila pareho ni Pangulong Marcos Jr., UNITEAM sila. May nabanggit po ba sya sa Pangulo patungkol dito, may nabanggit po ba sya sa DND patungkol po dito, dahil kung alam niya na po ito, malamang ay mayroon syang sariling bolang kristal, ay dapaty ipinaalam nya kung ito ay verified info”, ani Castro.

Ayon kay Castro, obligasyon ng ikalawang pangulo na ipaalam sa mga awtoridad ang anumang impormasyong kanyang natatanggap upang mapaghandaan ito ng pamahalaan at ng publiko. | via D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *