“No apprehension”, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng oil products, iminungkahi

Pwede bang wala munang mahuhuli?

Ito ang tanong ni Swerte Party-list Rep. Arlyn Ayon sa Land Transportation Office (LTO) sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, iminungkahi ni Ayon kung maaaring ipatupad muna ang “no apprehension” o pansamantalang walang hulihan sa mga motorista, lalo na sa mga gumagamit ng single motorcycle na karaniwang ginagamit ng mga magulang sa paghahatid ng kanilang mga anak sa paaralan.

Ayon sa mambabatas, maaaring makatulong ito upang mabawasan ang pasanin ng ilang motorista na apektado ng tumataas na presyo ng fuel.

Gayunman, sinabi ng LTO na bahagi ng kanilang mandato ang pagpapatupad ng batas-trapiko upang matiyak ang kaligtasan sa kalsada.

Ayon kay LTO Assistant Secretary Markus Lacanilao, hinuhuli lamang ng kanilang ahensiya ang mga motorista na may malinaw na paglabag.

“Ma’am, road safety po ito eh. ‘Yung mga ina-apprehend po namin, ‘yung may mga violation. So, kung magko-comply po ‘yung mga kababayan po natin at hindi sila gumagawa po ng mga traffic violation, wala po silang problema sa amin sa LTO,” sagot ni Lacanilao. | via Judea Bernardo, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *