1 patay sa paglubog ng MV Theresa I sa Naga City, Cebu

Patay nang natagpuan ang isang cement handler matapos tamaan ng naputol na mooring line nang tumaob ang MV Theresa I sa Berth 1 ng APO Cement Port sa Naga City, Cebu nitong Marso 11.

Ayon sa Coast Guard District Central Visayas, dinala ang biktima sa Vicente Mendiola Center for Health Infirmary ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Nagaganap ang loading operations nang bigla itong tumagilid habang isinasagawa ang de-ballasting procedure na kalaunan ay nagresulta sa tuluyang pagtaob ng sasakyang pandagat.

Agad namang nagsagawa ng rescue operations ang mga otoridad at nailigtas ang kabuuang 19 crew ng barko at nabigyan ng kinakailangang medikal na atensyon.

Samantala, nag-deploy na ang Coast Guard ng humigit-kumulang 100 meter oil spill boom upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng langis sa karagatan at patuloy na mino-monitor ang lugar para sa anumang senyales ng oil spill. | via Judea Bernardo, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *