PBBM, balik Pilipinas, matapos ang working visit sa New York

Nakabalik na sa Pilipinas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ang kanyang working visit sa New York, United States.

Ayon sa Palasyo, dumating ang eroplano ng Pangulo sa bansa bandang alas-11:29 kagabi, March 11.

Sa kanyang pagbisita, nakipagpulong si Marcos sa mga business leaders at investors at dumalo rin sa ilang high-level engagements sa United Nations.

Kabilang sa kanyang nakausap ang isang US medical glove company na planong magtayo ng manufacturing facility sa Pilipinas na maaaring makalikha ng mahigit 2,000 trabaho para sa mga Pilipino.

Nakipagpulong din ang Pangulo sa JPMorgan executives upang talakayin ang economic cooperation at mga global issues na nakaaapekto sa financial markets.

Ayon kay Marcos, naging “very productive” ang kanyang working visit na layong palakasin ang ugnayan ng Pilipinas sa international partners at investors. | via Imee Gatchalian

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *