Solong napanalunan ng senior citizen na babae ang P45 milyon jackpot sa Grand Lotto 6/55.
Unang idineklarang paghahatian ng dalawang bettor ang premyo noong February 21, 2026, pero ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), iisang tao ang kumubra ng panalo nitong Marso 6 sa Mandaluyong City.
Kwento ng masuwerteng senior, paborito niyang numero ang tinayaang 09-23-03-49-50-01, na paulit-ulit din niyang tinayaan sa iba’t ibang lotto outlet.
Lumitaw na dalawang ticket ng lucky winner ang parehong tumama.
Plano namang ibahagi ng solo millionaire ang premyo sa kamag-anak na may sakit at gamitin ang iba sa kanyang pang-araw-araw na pangangailangan. | via Joana Luna, D8TV News
