Nagkaroon ng mainit na palitan ng argumento sa Senado sina Sen. Panfilo Lacson at Sen. Rodante Marcoleta.
Ayon kay Lacson, hindi umano siya nagsisimula ng alitan ngunit handa siyang sumagot kapag inaatake na siya.
Samantala, iginiit naman ni Marcoleta na inililihis umano ni Lacson ang usapin sa pagdinig, at kinuwestiyon kung bakit hindi ipinatawag ang ilang opisyal at posibleng resource persons na makakatulong sa paglilinaw ng mga alegasyon.
Para kay Lacson, tila siya ang madalas sisihin ni Marcoleta sa iba’t ibang usapin sa Senado.
Bilang tugon, hinimok ni Lacson si Marcoleta na pirmahan ang partial committee report ng Senate Blue Ribbon Committee upang makausad na ang imbestigasyon. | via Ghazi Sarip, D8TV Correspondent
