Substitute bill para sa emergency powers ni PBBM, aprubado na

Lusot na sa House panel ng Committee on Ways and Means, ang unnumbered substitute bill, na magbibigay ng emergency powers sa Pangulo, upang suspindihin o bawasan ang ipinapataw na excise tax sa mga produtkong petrolyo, sa oras na magkaroon ng national o economic emergency.

Sa pagbubukas ng ikalawang araw ng deliberasyon ng komite, tinalakay ang iba’t-ibang posibilidad na kaharapin ng pamahalaan, kung babawasan o tatanggalin ang ipinapataw na excise tax sa mga produktong petrolyo.

Ito’y bunsod ng taas-presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Martes.

Kinondena ni House Committee on Ways and Means, vice chair at Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano, ang malawakang oil price hike na nagsimula ngayong araw, dahil sa epekto ng sigalot sa Middle East.

Ani Valeriano, mahalagang makapagbigay ng mas malinaw na paliwanag ang mga oil company sa publiko hinggil sa batayan ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng oil products.

Iginiit ng mambabatas, na ang pinatawan ng dagdag na singil na oil products, ay ang “stocks” na nabili ng mga kompanya bago pa man magkaroon ng tensyon sa Middle East.

Ipinaliwanag naman ni Quezon City Rep. Bong Suntay, na bagaman importante ang taxes, kailangang maging sensitive sa ganitong pagkakatoon, lalo na’t sa bawat pagtaas ng presyo ng krudo, tumataas din ang koleksyon ng value added tax (VAT).

Sa panig naman ng giant oil company na Petron, sinabi ni Karen Domingo, Representative ng kompaniya, na sinusunod ng oil companies ang maps, sa global market, kaya’t nagkakaroon aniya ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Binigyang diin ni Committee Chair Rep. Miro Quimbo na layunin ng deliberasyon na tukuyin kung ano ang magigiing “revenue loss” at epekto nito sa bansa, sa oras na maipasa ang pagsuspinde ng excise tax at paano ito, makakatulong sa mga konsyunmer.

Sakop ng kondisyon ng mga panukala, ang pagpapatupad ng suspensyon sa oras na lumampas ang presyo ng Dubai crude oil sa $80 per barrel at kung magdedeklara ng national emergency o state of calamity ang Pangulo base sa rekomendasyon ng Department of Energy (DOE). | via Judea Bernardo, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *