Dobleng dagok o pahirap sa hanay ng sektor ng transportasyon ang umano’y pananamantala ng ilang oil companies sa gitna ng krisis sa langis.
Sa panayam ng D8TV News kay Manibela National President Mar Valbuena, sinabi nito na higit na naaapektuhan ng sigalot sa Middle East ang mahihirap na Pilipino at hindi ang mga negosyante.
Hinimok din ni Valbuena ang Kongreso na bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin o bawasan ang excise tax at value added tax sa petrolyo habang nagpapatuloy ang tensyon sa pagitan ng United States, Israel at Iran.
Tantiya ni Valbuena na dahil sa ipinatupad na taas-presyo sa petrolyo ngayong Martes, posibleng umabot sa P200 ang mabawas sa arawang kita ng mga namamasadang tsuper. | via Joana Luna, D8TV News
