Show cause vs oil companies na lumabag sa price rules, ‘di sapat

Ramdam na ng ilang tsuper ng pampublikong sasakyan ang paghina ng kanilang biyahe kasunod ng ipinatupad na 4-day work week at nalalapit na school break.

Ayon kay Manibela National President Mar Valbuena, nahaharap sa mabigat na problema ang sektor ng transportasyon kung kaya’t mas maiging pagtuunan ng kongreso ang kapakanan ng taumbayan, na aniya’y bugbog na sa konsumisyon, hindi ang mga mapagsamantalang oil companies.

Kinuwestiyon din ng Manibela kung mayroon bang imbentaryo na ginagawa ang Department of Energy upang ma-monitor ang suplay ng langis sa gitna ng krisis sa langis.

Naniniwala naman siya na hindi patas ang pag-iisyu lamang ng show cause orders sa mga gasolinahang umano’y nanamantala at nagpatupad ng maagang price adjustments. | via Joana Luna, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *