Ang yumaong Meteor Garden star na si Barbie Hsu ay nag-iwan ng 600 milyong Yuan (P4.7 bilyon) na yaman, na mapupunta sa kanyang asawang si DJ Koo at dalawang anak – isang 10-taong-gulang na babae at 8-taong-gulang na lalaki.
Dahil menor de edad pa ang mga bata, ang kanilang ama na si Wang Xiaofei ang mamamahala sa kanilang parte. Samantala, sinabi ni DJ Koo na ibibigay niya ang kanyang bahagi kay Barbie’s mother.
“Ibabalik ko ito sa biyenan ko bilang respeto kay Hee-won,” sabi ni Koo. “Sisiguraduhin ko ring protektado ang mga anak ko laban sa masasamang tao.”
Ngunit ayon sa mga eksperto, posibleng hindi pumayag ang korte. Kung tatanggihan ni Koo ang kanyang mana, mapupunta rin ito sa mga anak ni Barbie. | via Lorencris Siarez | Photo via superstarsbio.com
P4.7 Bilyong yaman ni Barbie Hsu, mapupunta sa asawa at mga anak
