PCSO, MMDA namahagi ng tulong sa mga nasunugan sa QC

Agad na sumaklolo ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga pamilyang nasalanta ng sunog sa NIA Road, Quezon City.

Pinangunahan nina PCSO General Manager Mel Robles, MMDA General Manager Nick Torre, at Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng relief goods sa mga nasunugan.

Namahagi ang PCSO ng 2,000 charitimba na naglalaman ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan para sa 1,907 na pamilyang nasunugan, batay sa tala ng Social Services Development Department.

Bukod sa charitimba, nagbigay din ang MMDA ng modular tents para sa mga residenteng pansamantalang nananatili sa evacuation centers.

Ayon kay GM Robles, ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbigay ng agarang suporta sa mga kababayan, lalo na sa panahon ng sakuna. | via D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *