Humiling ang International Criminal Court (ICC) prosecution team na linawin ng mga hukom ang papel ng ilang abogado sa kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Noong February 23–24 proceedings ng confirmation of charges hearing, ipinakilala ni defense counsel Nicholas Kaufman sina:
-Salvador Medialdea
-Salvador Panelo
-Martin Delgra
-Silvestre Bello III
-Alfredo Lim at
-Cesar Dulay bilang mga abogado na tutulong at susuporta sa depensa.
Giit ng prosekusyon, ang pahayag ng mga abogado ay maaaring magbigay ng maling impresyon na pormal silang kasali, at may access sa confidential case matters, na maaaring makagulo sa proseso.
Noong March 6, 2026, inihain ng prosekusyon ang request na ideklara ng ICC na walang legal na partisipasyon sa defense team ang nasabing mga abogado. Ayon sa kanila, wala silang access sa dokumento at hindi rin maaaring bisitahin si Duterte sa kulungan. | via D8TV News
