Economic shock, dapat saluhin ng gobyerno —Hontiveros

Nanawagan si Sen. Risa Hontiveros na agarang saluhin ng pamahalaan ang napipintong economic shock bunsod ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Hontiveros, dapat nang ipasa ang isang emergency supplemental budget package. Batay sa pagtatantiya ng kaniyang opisina, aabot sa ₱52.8 bilyon ang kinakailangan, na binubuo ng:

-₱12B para sa Transport Subsidy
-₱2.8B para sa Agricultural Subsidy
-Humigit-kumulang ₱30B para sa OFW Repatriation and Reintegration

Hindi naniniwala si Hontiveros na sapat ang nakalaang pondo para sa Fuel Subsidy sa 2026 Budget, na ayon sa DOE, ₱2.5 bilyon lamang ang magagamit mula sa continuing funds ng 2025.

Dagdag pa ng senador, may ilang puwedeng pagkuhaan ng pondo para sa supplemental budget, kabilang ang:

-₱70B mula sa discontinued flood control project noong 2025
-₱2.5B para sa pharmachinery ng Philippine Center for Post Harvest Development and Modernization
-₱17.5B para sa pag-chair at pag-host ng ASEAN 2026 Summits

Samantala, habang pinipilit na maipasa ang fuel subsidy, kinondena naman ni Sen. Sherwin Gatchalian ang ilang gasolinahan na sobra at maaga ang pagtaas ng presyo, kaya’t pinaiimbestigahan niya ang mga ito sa DOE. | via Ghazi Sarip, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *