Gun license ng suspek sa P’que shooting, iniimbestigahan

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Pulisya sa totoong motibo ng pamamaril ng isang 59 years old na lalake sa isang residential condominium complex nitong March 4.

Sa insidente, dalawa katao ang nasawi at apat naman ang naitalang sugatan.

Ayon kay Parañaque City Police Chief Col. Nicholas Piñon, nakikipag-ugnayan na sila sa PNP-Civil Security Group upang alamin bakit nabigyan ito ng lisensya sa baril gayung may warrant of arrest ang suspek sa kasong homicide noong 2023.

Narekober ng otoridad ang dalawang baril, isang 9mm pistol at isang shotgun na nasa pangangalaga ng suspek.

Iniimbestigahan na rin anila kung may naging lapses sa ipinatutupad na seguridad sa loob ng condominium complex.

Isa sa motibong tinitignang ng pulisya sa krimen ay ang matagal nang alitan sa pagitan ng suspek at ng isa sa mga biktima.

Sa ulat, dalawang beses na inireklamo ng biktima ang suspek sa security dahil sa pag-akyat at pagkatok nito sa kanilang unit dahil sa umano’y pag-iingay.

Sa ngayon, nasampahan na ng kasong 2 counts of murder, 4 counts ng frustrated murder at paglabag sa RA Act No. 10591 noong Sabado, March 7 ang suspek. | via Allen ibañez, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *