Nadagdagan pa ang bilang ng mga sumukong suspek na sangkot sa hazing death ni Kenneth Alcedo, na isang 1st year maritime student sa General Trias, Cavite
Sa ulat, 4 na suspek ang sumuko sa General Trias Police Station, 1 sa Dasmariñas Police Station at ang isa naman ay ang driver ng kotse na naghatid sa biktima sa ospital.
Ayon kay PNP Spokesman, Brig. Gen. Randulf Tuaño, nasa edad 18 hanggang 21 years old ang edad ng mga sumukong suspek kaugnay ng isinagawang initiation rites kay Alcedo.
Saad pa ni Tuaño, may mga surrender feelers na rin ang iba pang sangkot sa insidente. | via Allen Ibañez, D8TV Correspondent
