2 aktibong pulis, arestado sa buy bust operation sa Taguig City

Nabisto ng Philippine National Police ang dalawa kabaro nito na sangkot sa pagbebenta ng illegal na droga sa Taguig City.

Naaresto ang 2 pulis kabilang ang ilan pang suspects sa isinagawang drug buy bust operation ng PNP Drug Enforcement Group at Taguig City Police Station nitong Sabado, March 7.

Ayon Taguig City Chief of Police Col. Julius Añonuevo, nasabat sa mga suspect ang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱680,000 kasama na ang issued firearms ng PNP, mga selpon at IDs.

Kinondena naman ni Mayor Lani Cayetano ang pagkakasangkot ng 2 pulis na nakatalaga sa Taguig City Police at iginiit na hindi nito hahayaan na mapasok ang lungsod ng mga illegal na aktibidad na sangkot ang mga nagpapatupad ng batas.

Tiwala naman ang alkalde sa Pambansang Pulisya na gagawa ito ng aksyon sa paglilinis ng mga tiwaling pulis at ipagpapatuloy ang pananatili ng kapayapaan at seguridad sa lungsod kasunod ng mahigpit nitong pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Taguig. I via Allen Ibañez, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *