Tuloy tuloy ang isinasagawang anti criminality drive ng Taguig City Police sa ilalim ng focused agenda ni PNP Chief, Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr.
Ito’y matapos maaresto ang lahat ng Top 10 most wanted person sa lungsod nitong Pebrero ngayong taon.
Ayon kay Taguig City Chief of Police Col. Julius Añonuevo, naaresto ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrests dahil sa mga kaso ng rape, robbery, attempted homicide, statutory acts of lasciviousness at comprehensive dangerous drugs act of 2002.
Isinagawa ang manhunt operations katuwang ang National Capital Region Police, Southern Police District at iba pang law enforcement agencies upang madakip ang mga pinaghahanap ng batas.
Ikinagalak naman ni Taguig Mayor Lani Cayetano ang mahigpit na pagbabantay sa seguridad at pagpapanatili ng kapayapaan sa lungsod kung saan ipagpapatuloy ng local na pamahalaan ang mahigpit na pakikipagtulungan at pagpapalakas ng seguridad sa lugar upang masiguro na ang mga Taguigeños ay mananatiling ligtas sa anumang banta.
Giit pa ng opsiyal, ipagbigay alam agad sa otoridad kung may mga kahina-hinalang mga aktibidad sa 9-1-1 upang agad itong maaksyunan. I via Allen Ibañez, D8TV Correspondent
