PNP: Higit 1,500 baril nakumpiska mula nang ipatupad ang gun ban

Simula nang ipatupad ng COMELEC ang gun ban, nakumpiska na ng PNP ang 1,563 baril mula sa ibaโ€™t ibang operasyon.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, nakapagtala rin sila ng 24 suspected election-related incidents, kung saan:
๐Ÿ”น 11 ang kumpirmadong may kaugnayan sa halalan.
๐Ÿ”น 11 ang walang koneksyon sa halalan.
๐Ÿ”น 2 ang patuloy pang iniimbestigahan.
Sa mga nakumpiskang armas, 134 baril ang nakuha mula sa mga checkpoint, habang ang iba ay mula sa police operations, kabilang ang anti-illegal drug operations at buy-busts.
Magpapatuloy ang gun ban hanggang Hunyo 11, 2025, bilang bahagi ng seguridad sa eleksyon. | Benjie Dorango |

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *