Maalinsangang panahon at amihan, sabay na mararanasan sa bansa ngayong linggo. – Pagasa

Inaasahang mararanasan ang mainit at maalinsangang panahon sa karamihan ng bansa ngayong linggo. Ngunit ayon sa PAGASA, hindi pa tuluyang natatapos ang malamig na panahon dulot ng Amihan, na patuloy na mararamdaman sa Northern Luzon hanggang ngayong linggo.
Sa kalagitnaan ng linggo, iiral naman sa buong kapuluan ang humid easterlies, na magdadala ng mainit na temperatura at thunderstorms tuwing hapon.
Samantala, wala namang inaasahang bagyo o weather disturbance sa bansa ngayong linggo. Asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, at Camarines provinces dulot ng natitirang epekto ng Amihan at Shear Line, na inaasahang huhupa sa Martes, Marso 11. | Benjie Dorango

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *