Terminal reshuffle ng mga airline sa NAIA, sisimulan sa Marso

Magkakaroon ng bagong terminal assignments ang ilang international airlines sa Ninoy Aquino International Airport matapos maglabas ng abiso ang New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC).

Sa panayam ng D8TV kay MIAA Gen. Manager Eric Ines, sinabi nitong layon ng hakbang na mas maging maayos ang galaw ng mga pasahero at mas mapakinabangan ang espasyo ng bawat terminal.

“para mas maganda at mas maayos ang pag-park ng mga eroplano at tiyaka yung slot masunod ng tama para ma-decongest na rin yung terminals natin para hindi nalilito yung mga tao” – GM Ines.

Simula March 29, 2026, lilipat sa Terminal 3 mula Terminal 1 ang mga flight ng:

-Air China

-China Eastern Airlines

-Vietnam Airlines

-Royal Brunei Airlines

-Shenzhen Airlines

Samantala, ang international flights ng AirAsia Malaysia at AirAsia Philippines ay lilipat mula Terminal 3 patungong Terminal 1 sa parehong petsa.

Habang sa April 1, 2026, sa Terminal 3 na rin mag-ooperate ang Japan Airlines mula sa dating Terminal 1 assignment nito.

Pinapayuhan ng NNIC ang mga pasahero na beripikahin ang kanilang terminal assignment sa kani-kanilang airline bago bumiyahe upang maiwasan ang abala. | via Joana Luna, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *