Mas mainit na temperatura, asahan ngayong araw dahil sa easterlies

Mas mainit na temperatura ang iiral ngayong araw dahil sa epekto ng easterlies, ang mainit na hangin na nagmumula sa dagat Pasipiko sa Silangan.

Ayon sa Pagasa, easterlies lamang ang tanging nararanasan ngayon pero inaasahan ang pagbabalik ng hanging amihan ngayong weekend na muling magpapalamig ng panahon.

Inaasahan ang kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Caraga, Northern Mindanao, Davao Oriental, at Zamboanga del Norte, na posibleng magdulot ng flash floods o landslides.

Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, isolated rain showers o thunderstorms pa rin ang mararanasan.

Wala namang inaasahang bagyo o anumang weather disturbance sa loob ng susunod na dalawa hanggang tatlong araw. | via D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *