RED ALERT, nakataas para sa Trillion Peso March at People Power Revolution bukas – AFP

Maagang itinaas ng Armed Forces of the Philippines sa Red Alert Status ang kanilang hanay kasabay ng mga kilos protesta bukas, February 25, sa paggunita ng ika-40th year ng EDSA People Power Anniversary

Bagamat hindi sila ang primary agency na nakatutok sa pagbabantay sa malalaking pagtitipon.

Sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, naka handa ang buong tropa simula pa nitong Pebrero a-bente uno upang umasiste sa Philippine National Police kung kinakailangan.

Nilinaw ng opisyal na hindi sila magpapadala ng pwersa kung hindi kinakailangan sa mga rally o kung hindi hinihingi ng pagkakataon.

Nasa desisyon na rin anya ng mga ground commanders kung sila rin ay magtataas sa red alert status na nakadepende sa sitwasyon sa kanilang nasasakupan.

Binigyang diin din ni Padilla na hindi magiging provocative ang kanilang presensya sa mga aktibidad at tiniyak ang mahigpit na pagsunod sa konstitusyon at pananatiling non-partisan sa ingay sa pulitika. | via Allen Ibañez, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *