Pinanghahawakan pa rin ng Makabayan Bloc, ang pangangailangan, na habulin ang pananagutan ni Vice President Sara Duterte, kaugnay ng umano’y pagwawaldas nito ng confidential funds ng office of the Vice President at Dept. of Education.
Ito ang muling iginiit ni ACT-Teacher’s Party-list Rep. Antonio Tinio, sa gitna ng kanilang paghahain ng House Bill No. 811, na nananawagan sa muling pagsapi ng bansa sa Rome statute ng International Criminal Court.
Ayon kay Tinio, ang paghingi ng panangutan, ang pinaka ugat ng reklamong isinampa laban sa ikalawang pangulo, kaya’t kahit na bigyan ito ng basbas ng mayorya ng mga miyembro ng kamara, mananatili pa rin aniya ang kanilang paniniwala na dapat managot ang lahat ng sangkot sa umanong maling paggamit ng pondo ng bayan.
Matibay din ang naging paninindigan ni Kabataan Party-list Rep. Renee Louise Co, na sufficient in form and in substance ang inendorso nilang impeachment complaint laban sa bise presidente.
Samantala, ngayong hapon, opisyal na ngang nagsimula ang pag -usad ng impeachment complaint laban kay VP sara, kung saan “deemed initiated” ang apat na reklamong ito, matapos na i-refer ng plenaryo sa House committee on Justice.
Dahil dito, itinuturing nang “initiated” ang impeachment, na nagti-trigger ng one-year bar rule. | via Judea Bernardo, D8TV News
