Legislative Museum, pormal nang binuksan ng kamara

Pormal nang binuksan ng House of Representatives ang Legislative Museum kahapon, Lunes, February 23, 2026.

Pinangunahan nina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, Congressional Spouses Foundation Inc. Chairperson Mary Ann Dy, Davao Oriental 1st District Rep. Maria Carmen Zamora, at House Secretary General Atty. Cheloy Velicaria-Garafil ang inagurasyon ng museo na matatagpuan sa ikatlong palapag ng Legislative Library, Archives and Museum Building.

Ayon sa House, layunin ng Legislative Museum na pangalagaan ang kasaysayan ng paggawa ng batas at ang mahahalagang rekord na sumasalamin sa pag-unlad ng lehislatura at ng serbisyong publiko sa bansa.

Itinatampok sa museo ang walong galleries na naglalahad ng legislative journey ng sambayanang Pilipino, ang proseso ng lawmaking, at ang timeline ng lahat ng naging House Speakers at ang kanilang pamumuno.

Bukas ang museo sa publiko bilang bahagi ng adbokasiya ng Kamara na palawakin ang kaalaman ng mamamayan sa kasaysayan at gawain ng lehislatura. | via Judea Bernardo, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *