Sinabi ni Interior at Local Government Secretary Jonvic Remulla ngayong Martes, na ang Department of Foreign Affairs (DFA) na ang mangunguna sa pagpapabalik sa Pilipinas kay dating mambabatas Zaldy Co
Ayon kay Remulla, nakasalalay ito sa diplomatikong proseso at legal na hakbang ng DFA, hindi ng DILG.
Hindi pa rin idinidulog ng DILG si Co sa Interpol, dahil nakadepende ito sa pormal na mga kaso at estado ng build-up ng kaso. Batay sa ulat, lumitaw si Co sa Stockholm, Sweden noong Enero 15, base sa apostille ng petisyon sa Korte Suprema.
May nakalabas na mga arrest warrant laban kay Co at iba pang opisyal ng DPWH at mga direktor ng Sunwest Corp. kaugnay ng umano’y irregularidad sa flood control projects. Noong Nobyembre 18, 2025, nagsampa ng kaso ng korapsyon at maling paggamit ng pondo publiko ang Ombudsman sa Sandiganbayan para sa proyektong nagkakahalaga ng P289 milyon sa Oriental Mindoro.
Itinanggi ni Co ang alegasyon, nagbitiw bilang House member, at ngayon diumano’y nagtatago sa ibang bansa noong sumulpot ang mga kaso. | via Allan Ortega, D8TV News
