Isang joint buy-bust operation ng PDEA at PNP ang nagresulta sa pagkakaaresto ng isang hinihinalang tulak ng droga at pagkakakumpiska ng humigit-kumulang 600 gramo ng shabu sa Caloocan City gabi ng Pebrero 15, 2026.
Isinagawa ang operasyon bandang 11:13 PM, sa Barangay 179 kung saan naaresto ang suspek na kinilalang alias “Amil,” 39-anyos mula Batangas City.
Narekober mula sa kanya ang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱4.08 milyon, isang cellphone, marked money na ginamit sa buy-bust, lisensya sa pagmamaneho, mga dokumento ng sasakyan sa ibang pangalan, at isang berdeng sasakyan.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Isinagawa ang imbentaryo at dokumentasyon ng ebidensya sa presensya ng media at opisyal ng barangay alinsunod sa tamang proseso. | via Allan Ortega, D8TV News
