PBBM at VP Sara Duterte, nagbigay ng pagbati sa pagdiriwang ng Lunar New Year

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na isabuhay ang simbolismo ng “fire horse” na tumutukoy sa tapang at tuloy-tuloy na pagkakaroon ng disiplina at kasipagan ngayong Lunar New Year.

Sa isang pahayag, sinabi ng Pangulo na mahalagang kumilos nang may malinaw na layunin at direksyon.

Ipinaliwanag ni Marcos na simbolo ng lakas ng loob, ang tunay na kaunlaran na nakasalalay pa rin sa maingat na pamumuhay ng mga pamilya at sa pagiging produktibo ng mga industriya.

Gayunman, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pangangalaga sa mahahalagang bagay tulad ng patas na oportunidad at maaasahang serbisyong pampubliko, kasabay ng pagpapalakas ng productivity value chains, at mga komunidad na hindi iniiwan ang mga nasa laylayan.

Nagpaabot din ng pagbati si Vice President Sara Duterte sa mga Filipino-Chinese community sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa isang video message, sinabi ni Duterte na ang Year of the Fire Horse ay panahon ng matapang na pagkilos, na may kaakibat na malalaking gantimpala para sa may lakas ng loob na sumulong.

Tinapos ng Bise Presidente ang kanyang mensahe sa pagbating, “Gong Xi Fa Cai,” at panawagang mahalin ang Pilipinas para sa Diyos, sa bayan, at sa bawat pamilyang Pilipino. | via Judea Bernardo, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *