Tatlong weather system, magpapauulan sa ilang bahagi ng bansa

Tatlong weather system ang nagpapaulan ngayon iba’t ibang bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA.

Makakaranas ng maulap na panahon na may kalat-kalat na ulan at thunderstorms ang Bicol Region at ilang bahagi ng Luzon dahil sa shear line.

Samantala, ang Visayas at ilang bahagi ng Mindanao ay makararanas din ng pag-ulan dulot ng easterlies.

Patuloy namang iiral ang Amihan na magdadala ng mahihinang ulan sa ilang lugar sa Northern Luzon, habang ang Metro Manila at kalapit na rehiyon ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan.

Binalaan ng PAGASA ang publiko sa posibleng flashfloods at landslides.

Wala mang gale warning, pinapayuhan pa rin ang maliliit hanggang katamtamang sasakyang pandagat na manatiling alerto at sumubaybay sa weather updates.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *