Dalawang bulkan ang sabay nag-alburoto nitong Biyernes, February 13.
Sa time-lapse footage na nakuha ng PHIVOLCS, makikita ang pagbuga ng abo mula sa summit crater ng Bulkang Mayon.
Naitala ang mga pagbuga bandang alas-8:21 at alas-8:27 ng umaga.
Umabot naman sa humigit-kumulang 50 metro ang taas ng pagbuga mula sa bunganga ng bulkan.
Sa ngayon, nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Mayon at mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer permanent danger zone.
Bukod sa Mayon, nagbuga rin ng abo ang Bulkang Kanlaon nitong alas-12:50 ng madaling araw na nagtagal ng 17 minuto.
Ayon sa PHIVOLCS, nakapagtala sila ng 300 metrong plume mula sa bulkan.
Nananatili naman ang Bulkang Kanlaon sa Alert Level 2. | via Alegria Galimba
