Sinibak na ng Department of Transportation (DOTr) ang kontrata ng BFC-FDSC para sa Unified Grand Central Station sa Edsa-North Avenue matapos ang mahigit isang taon ng walang galaw sa konstruksyon!
Ayon kay DOTr Secretary Vivencio Dizon, puro kalawang at walang trabahador ang nakita niya sa site. Dismayado ito sa pagkaantala ng proyekto na dapat natapos pa noong 2021.
Posibleng humarap sa multa ang BFC-FDSC, habang nagbabalak ang DOTr ng bagong paraan para tapusin ang proyekto bago matapos ang termino ni Pangulong Marcos Jr. sa 2028.
Ang istasyon ay mahalaga para sa commuters dahil dito magkokonekta ang MRT-3, LRT-1, at MRT-7. Kayang magserbisyo ng hanggang 500,000 pasahero kada araw!
Aalamin din ng DOTr kung may pananagutan ang gobyerno sa contractor dahil sa mga late na bayad.
Mula pa 2009, samu’t saring aberya ang dinanas ng proyekto—mula sa legal na laban ng SM at Ayala hanggang sa delay ng construction. | via Allan Ortega
DOTr pinutol na ang kontrata sa LRT-MRT central station project
