Going, going, gone – Nasubasta na sa wakas ang Rolls Royce Cullinan ng kontrobersyal na mga contractor na sina Curlee at Sara Discaya.
After three auctions, naibenta ang super luxury car sa halagang 29 million and 26 thousand pesos mula sa base price na 29 million and 25 thousand pesos.
Nanalo sa auction ang lone bidder na si Pio Velasco, ang founder Igorot Stone Kingdom.
Naging kontrobersyal ang Rolls Royce matapos lumabas sa isang pagdinig sa Senado na binili ng mga Discaya ang sasakyan dahil nagagandahan sila sa payong na kasama nito.
Walo sa sampung luxury cars na sinubasta ng Bureau of Customs ay dating pag-aari ng mga Discaya.
Kabilang sa nakisali sa bidding ang TV host na si Willie Revillame pero hind itu nag-bid sa anumang ssakyan.
Unang sinubasta ang Rolls Royce sa halagang higit P45 million. Ibinaba ito sa P36.2 million pero nang wala pa ring nakabili, muling ibinaba ang base price ng sasakyan. | via Alegria Galimba, D8TV News
