OFW, ginulpi ng isang lalaki sa isang mall sa Singapore

Viral ngayon ang video ng Isang OFW na ginulpi ng isang foreigner sa loob ng isang mall sa Singapore.

Sa simula ng video, nag-uusap pa ang dalawa pero ilang sandali lamang ay makikita nang paulit-ulit na tinadyakan ng lalaki ang babae.

Ayon sa Department of Migrant Workers, tukoy na ang pagkakakilanlan ng babae sa video at nakipag-ugnayan na ang labor attaché natin doon para sa medical at legal assistance ng biktima.

Sa ngayon, inaalam pa ang ugat ng pagtatalo ng dalawa na nauwi sa sakitan.

Inaalam na rin ng DMW ang maaaring isampang kaso laban sa lalaki. Hindi umano sila papayag na may Pilipinong nabibiktima ng karahasan saan mang panig ng mundo. | via D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *