Shear line at ‘amihan’ magpapa-ulan sa ilang bahagi ng bansa

Patuloy na makakaapekto ang shear line sa Visayas habang iiral naman ang amihan sa Luzon sa susunod na 24 oras, ayon sa PAGASA.

Dahil dito, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pulu-pulong pagkidlat-pagkulog sa Visayas at ilang bahagi ng Bicol at Caraga.

Nagbabala ang PAGASA na maaaring magdulot ang katamtaman hanggang malakas na ulan ng biglaang pagbaha o pagguho ng lupa.

Sa Cagayan Valley, Cordillera, natitirang bahagi ng Bicol, Aurora, at Quezon, inaasahan ang maulap na panahon na may mahihinang ulan dulot ng amihan.

Ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang ambon.

Samantala, wala pang binabantayang low pressure na maaaring maging bagyo ang ating weather monitoring center.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *