Naipasa na sa tanggapan ni House Speaker Faustino Dy III ang ikatlong impeachment complaint na inihain laban kay Vice President Sara Duterte, yan ang pahayag ng Office of the Secretary General ng Kamara.
Inihain ang reklamo kahapon ng Lunes ng isang grupo ng mga madre, pari, at abogado, kaugnay sa maling paggamit ng confidential funds noong siya ay Bise Presidente at kalihim ng DepEd.
Kasama rin sa impeachment complaint ang umano’y death threat laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na binanggit sa isang late-night press briefing.
Ayon kay Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima na nag-endorso sa reklamo, kumpiyansa siyang aabot ito sa botohan sa House of Representatives.
Aniya, isa itong mas pinahusay na bersyon ng mga naunang articles of impeachment na naipasa na noon.
Sa panig ni Duterte, sinabi ng kanyang legal counsel na hindi na sila nagulat sa paghahain ng ikatlong impeachment complaint. | via Judea Bernardo
