Shear line at amihan, patuloy na magdudulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa

Magpapatuloy ang epekto ng shear line at ng amihan sa maraming bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA.

Dahil sa shear line, makakaranas ang Visayas, Albay, Sorsogon, Masbate, at Dinagat Islands ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at posibleng pagkidlat-pagkulog.

Tinatayang aabot sa 50 hanggang 100 millimeters ang ulan sa ilang lugar tulad ng Occidental Mindoro, Cebu, Leyte, Samar provinces, Sorsogon, at Biliran kaya may banta ng localized flooding, lalo na sa mabababang lugar, urban areas, at malapit sa ilog.

Samantala, dahil sa amihan, magiging maulap na may mahihinang ulan sa Cagayan Valley, Cordillera, Central Luzon, natitirang bahagi ng Bicol, at Quezon.

Ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap na panahon na may panaka-nakang ambon. Sa Mindanao, pangkalahatang maganda ang panahon maliban sa mga isolated thunderstorm.

Nagbabala rin ang PAGASA ng gale warning sa ilang baybayin sa Luzon at Bicol dahil sa malalakas na hangin at alon, kaya pinapayuhan ang maliliit na sasakyang pandagat na mag-ingat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *