Inaprubahan na sa Senado ang Senate Resolution No. 256 o ang pagkondena sa mga pahayag ng Chinese Embassy laban sa mga opisyal ng Pilipinas.
Pinagtibay ang naturang resolusyon matapos ang mainit na talakayan, pagkuwestiyon ng minority bloc at mataas na tensyon sa interpellation sa pagitan ni Sen. Alan Cayetano at Sen. Kiko Pangilinan.
15 senador ang lumagda sa nasabing resolusyon.
Anila, nilabag ng Chinese Ambassador ang inaasahang restraint, courtesy, at responsibility sa diplomatic communications.
Binigyang-diin sa resolusyon ang nauna nang pagkondena ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines sa umano’y paninira laban sa defense institutions ng bansa.
Iginiit din ng Senado na batay sa United Nations Charter at Vienna Convention on Diplomatic Relations, may karapatan ang Pilipinas bilang isang malayang bansa na ipaglaban ang interes nito sa ilalim ng international law at hindi ito dapat ituring na provocation o agresyon. | via Ghazi Sarip
