Isa sa pinakamalaking sports tradition sa Estados Unidos ang Super Bowl, at sa laro kanina sa pagitan ng Seattle Seahawks at New England Patriots, nagpakitang gilas ang isang Filipino-American player.
Naging susi sa tagumpay ng Seattle Seahawks ang Filipino kicker na si Jason Myers matapos ang perpektong five-out-of-five performance nito sa Super Bowl Fifty, kung saan tinalo ng Seattle ang New England Patriots, 29-13, sa Levi’s Stadium sa Santa Clara, California.
Hindi pumalya si Myers sa lahat ng limang field-goal attempts, na nagsilbing pangunahing pinanggalingan ng puntos ng Seahawks sa isang defense dominated game para sa kampeonato.
Kamakailan lamang, naging viral si Myers matapos niyang ibahagi sa isang panayam na siya ay may dugong Pilipino, kung saan ang kanyang great-grandfather ay nagmula sa Pilipinas.
“My great grandfather’s from the Philippines… but I’m proud to always say that I’m Filipino. It’s made me who I am,” ani Myers.
Dagdag pa ni Myers, kakaunti man ang mga Pilipinong makikita sa propesyonal na sports sa Amerika, proud na proud sila sa kanilang pinanggalingan. | via Jason Saguin
