Art exhibit para sa National Arts Month, binuksan sa Kamara

Pinangunahan nina House Speaker Faustino “Bojie” Dy the Third, Congressional Spouses Foundation Incorporated Chairperson Mary Ann Dy, at Rizal Second District Representative Emigdio “Dino” Tanjuatco III, ang pagbubukas ng art exhibit na Ani ng Sining: Katotohanan at Giting nitong Lunes sa South Wing Annex Lobby ng House of Representatives.

Bahagi ang nasabing exhibit ng pagdiriwang ng National Arts Month at inorganisa ng Pamahalaang Bayan ng Tanay sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office, katuwang ang tanggapan ni Rep. Tanjuatco.

Tatagal ang exhibit mula ngayong araw, February 9 hanggang 16 at tampok dito ang mga likhang-sining ng mga artistang mula sa Tanay, kabilang ang Tanay Artists Group, Parola Artists Group, at Asosasyon ng Artistang Pilipino–Tanay.

Layunin ng aktibidad na itampok ang husay ng mga lokal na alagad ng sining at ipakita ang patuloy na suporta ng House of Representatives sa malikhaing talento at kulturang Pilipino. | via Judea Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *