Sen. Lacson, nagbabala sa “homegrown traitors”

Nagbabala si Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson laban sa aniya’y “homegrown traitors” o mga taong handang ibenta ang bansa kapalit ng pansariling interes.

Ayon kay Lacson, ang pinakakaraniwang pinagmumulan ng impormasyon sa geopolitics ay ang technical intelligence at mga homegrown traitors kung saan tinatawag itong, “recruitment in place” sa intelligence operations.

Matatandaang inulan ng batikos si Senator Rodante Marcoleta matapos sabihin sa isang pagdinig ng Committee on Appointments na dapat nang isuko ng Pilipinas ang Kalayaan Island Group o KIG dahil hindi naman daw ito sakop ng ating Exclusive Economic Zone.

Ngunit iginiit naman niyang hindi niya iminungkahi ang pagsuko ng KIG na aniya’y taken out of context lang umano dahil ay patungkol sa international maritime rules, partikular sa proseso ng pagsusumite ng mapa sa United Nations para sa inclusionsa International Hydrographic Organization (IHO).

Samantala, inihayag ni Lacson na bukas siyang alisin sa opisyal na Senate record ang pahayag ni Marcoleta hinggul sa Kalayaan Group of Islands o KIG.

Aniya, hindi maganda ang naturang pahayag lalo na’t nakatala ito sa record ng Commission on Appointments, dahil maaari umano nitong pahinain ang posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Pero nilinaw niyang kailangang buong komisyon ang magpasya rito, at hindi iisang tao lamang.

Dagdag pa nito, ang pagsuko sa KIG ay parang pagsuko na rin sa mismong soberanya ng Pilipinas. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *