Cambodia, pinabulaanang nagtatago sa kanilang bansa si Atong Ang

Nilinaw ng isang opisyal sa Phnom Penh, Cambodia na wala sa kanilang bansa ang puganteng si Atong Ang.

Sa inilabas na pahayag ng Cambodia Ministry of Foreign Affairs and International Cooperation, sinabi nito na walang record si Ang sa anumang entry at exit border checkpoints sa naturang bansa.

Ito ay kasunod ng mga ulat na posibleng nagtatago ang negosyante sa Cambodia.

Sa ngayon ay pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad si Ang matapos maglabas ng Sta. Cruz, Laguna at Lipa, Batangas regional courts ng arrest warrant laban sa kanya dahil sa umano’y pagkawala ng mga sabungero.

Kinumpirma rin ng Department of Justice (DOJ) na naghain ang kanyang kampo ng motion to suspend proceedings para sa kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention kaya’t hindi pa lumalabas ang arrest warrant kay Ang sa San Pablo, Laguna regional trial court.

Tinagurian si Ang bilang Top 1 most wanted person sa bansa na may P10 milyong patong sa ulo. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *