Nadagdagan pa ang naitalang namatay sa pananalasa ng Bagyong Basyang.
Sa datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), anim dito ang kumpirmado habang ang karagdagang anim ay patuloy na sumasailalim sa beripikasyon.
Bukod sa mga namatay, nakapagtala rin ng 36 na nasaktan dahil sa sama ng panahon.
Sa ngayon nasa 162,501 na pamilya o katumbas ng higit 579,000 na katao mula sa 1,201 barangay sa Western Visayas, Negros Island Region, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region at CARAGA ang naapektuhan.
Mula sa naturang bilang higit 15,000 katao ang nananatili pa rin sa 391 evacuation centers sa mga nabanggit na rehiyon. | via Allen Ibañez
