Stranded na pasahero sa mga pantalan sa bansa, halos 5K na

Inanunsyo ng Philippine Coast Guard na may 94 pantalan sa buong bansa ang apektado ng #BasyangPH.

Sa datos ng PCG, aabot na sa 4,984 pasahero, driver at cargo helpers ang stranded sa iba’t ibang pantalan.

Bukod dito, stranded din sa mga pantalan ang 1,864 rolling cargoes, 135 vessels at pitong motorbancas.

Pansamantala naman nakasilong ang 292 barko at 66 motorbancas bilang pag-iingat sa epekto ng masamang panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *