Pagtuloy ng BARMM elections sa lalong madaling panahon, isinusulong sa Senado

Inumpisahan na ang urgent deliberations ng Senado sa panukalang i-reset ang kauna-unahang BARMM elections.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na nag-isponsor ng Senate Bill No. 1587, layunin ng panukala na tiyaking huling beses na ang pagpapaliban ng eleksyon.

Ito ay matapos ang paulit-ulit na pagka-delay nito at ang mahigit pitong taon mula nang maipasa ang Bangsamoro Organic Law pero wala pa ring halal na lider ang BARMM.

Ani Zubiri, tatlong beses na raw na-postpone ang eleksyon, una dahil sa pandemya, sumunod dahil sa mga isyung legal at redistricting matapos ang mga desisyon ng Korte Suprema.

Pero giit ni Zubiri, hindi na katanggap-tanggap ang panibagong delay dahil unti-unti nitong sinisira ang pundasyon ng demokrasya at kapayapaan sa rehiyon.

Sa ngayon, sinusuri ng Senate subcommittee kung maaayos na ng bagong redistricting law ang mga suliraning binanggit ng Korte Suprema at kung kailan ang pinakamaagang petsa ng eleksyon. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *