190 Pilipinong biktima ng human trafficking, nakauwi na mula Cambodia

Dumating kaninang madaling araw ang 190 Pilipinong biktima ng human trafficking mula Cambodia, ayon sa Department of Migrant Workers o DMW.

Ani DMW Secretary Hans Leo Cacdac, isang babae ang naiwan sa Phnom Penh, kabisera ng Cambodia, para sumailalim sa dialysis.

Nasagip mula sa anim na lugar sa Cambodia ang 95 lalaki at 95 babae na pawang mga biktima ng illegal recruitment, karamihan sa Phnom Penh.

Kadalasang nire-recruit online ang mga biktima at pinapasok sa scam operations.

Mula 2022, umabot na sa 877 ang mga Pilipinong naibalik mula sa Cambodia.

Pagdating sa bansa, dadalhin sila sa pansamantalang tirahan ng OWWA para sa dokumentasyon at proseso.

Para matulungan silang makabalik sa normal na buhay, nakikipag-ugnayan ang DMW sa DOLE at iba pang ahensya para sa trabaho at kabuhayan, kabilang ang pakikipag-partner sa BPO companies. | via Miguel Alfonso, D8TV News Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *