Napigilan umano si Senate President Vicente Sotto II na mapalitan sa puwesto ng mga kaalyado nito ngunit pinag-aaralan na sa ngayon ang term-sharing nila ni Sen. Loren Legarda.
Sa kabila nito, kinumpirma ni Sotto na plano nila iupo bilang lider ng Senado si Legarda bago magtapos ang 20th Congress.
Ibinunyag ni Sen. JV Ejercito ang patungkol sa term-sharing ni Sotto at ni Legarda sa Senate lounge matapos ang meeting ng majority bloc kasama na si Sotto at Legarda.
Matatandaang sa pag-usad ng Senate session nitong Miyerkules, February 5, nagpatuloy ang pag-ugong ng inaantabayanang posibleng kudeta.
Habang naka-break ang session, ibinahagi ni Sen. Kiko Pangilinan sa kanyang Facebook account ang larawan nila ng mga ibang senador na magkasama sina Sotto at Legarda habang caption niya #Powersharing.
Sa pag-resume ng session, nakitang si Sen. Legarda ang nag-preside at nagpukpok ng gavel upang i-adjourn ang session, tinawag pa siyang “Madam President” ni Sen. Migz Zubiri.
Pahayag naman ni Zubiri, kung bakit niya tinawag si Legarda na “Madam President” ay dahil maaaring siya nga talaga ang susunod na Senate president.
Samantala, ayon kay Sen. Kiko Pangilinan, biro lang daw ito at kinumpirma rin naman ni Sotto na joke lang umano ang waring pag-upo ni Sen. Legarda sa puwesto ng Senate president at tila patikim pa lamang. | via Ghazi Sarip
