Signal No. 2, itinaas sa ilang bahagi ng Mindanao dahil sa Basyang

Ilang lugar sa Mindanao ang isinailalim ngayon sa Signal No. 2 dahil sa Tropical Storm Basyang, ayon sa PAGASA.

May lakas itong hangin na hanggang 65 kilometers per hour at bugso na 80 kph, at huling namataan sa silangan ng Surigao del Sur habang kumikilos pa-kanluran timog-kanluran.

Asahan ang malakas hanggang napakalakas na hangin sa Surigao provinces, Agusan provinces, Misamis Oriental, hilagang Bukidnon, Camiguin, at ilang bahagi ng Davao.
Marami pang lugar sa Visayas at Mindanao ang nasa Signal No. 1, kabilang ang Leyte, Bohol, Cebu, Negros, at Iloilo.

Dahil sa amihan, makararanas naman ng malakas na bugso ng hangin sa Luzon, Visayas, at malaking bahagi ng Mindanao.

Nagbabala rin ang PAGASA sa posibleng storm surge na hanggang 2 metro sa mga baybaying lugar ng Surigao, Dinagat, Leyte, Cebu, at Bohol sa loob ng 48 oras.

Magdadala si Basyang ng malakas na ulan sa ilang bahagi ng Mindanao at Eastern Visayas. Posible pa itong lumakas bago mag-landfall sa Surigao del Sur mula Huwebes ng gabi hanggang Biyernes. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *