Inflation rate sa Pilipinas nitong January 2026, bumilis sa 2% —PSA

Bumilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo o inflation rate sa Pilipinas nitong January 2026, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Huling naitala ang inflation rate sa 2.0% na mas mabilis kumpara sa naitalang 1.8% noong December 2025.

Ayon sa PSA, ang mabilis na galaw sa inflation rate ay dulot ng mataas na presyo sa housing, tubig, kuryente at iba pa.

Ito na ang pinakamataas na naitala sa nakalipas na 11 buwan.

Ngunit mas mabagal naman ito kumpara sa 2.9% sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *